JuanHand ang Online Loan App na Nag Aabot ng Tulong

Online Manila | JuanHand, ang Online Loan App na Nag Aabot ng Tulong | Naranasan mo na ba kapusin ng pera noong pinaka gipit ka? Minsan nangyari na ito sa aking mabuting kaibigan na si Macmac. Si Macmac kasi ay isang working student, nag-aaral ng kolehiyo at sumasideline din sa mga simpleng trabaho na pwede pagkakitaan tulad ng pagiging helper sa construction. Nitong nakaraang buwan, kinailangan niya ng pambili ng gamot para sa nanay niya, at wala akong maipahiram na pera. Sobrang pasalamat kami na mayroong JuanHand Online Loan App na nag-abot ng tulong sa kanya sa oras ng kagipitan.

May nagkwento kasi sa akin na ang mga online loan apps ay isa sa simple at mabilis na paraan upang manghiram ng pera.  Pero parang ang hirap malaman kung mapagkakatiwalaan ba ang mga ito. Nag-research kasi kami ni Macmac at nalaman namin na nitong ilang nakaraang taon, napakaraming Online Loan Apps (OLA) na nabalitang nagkaroon ng kaso sa National Privacy Commission (NPC) dahil sa mga reklamo ng mga app users.

Nakita namin sa NPC website ang ilang mga artikulo tungkol sa mga reklamo tungkol sa harassment at shaming ng mga OLA, na tila umaabuso sa data privacy.  Nabalita na rin ang mga ganitong kaso mula pa noong 2019 tulad ng artikulong ito na umiikot sa paglabag ng maraming OLA hinggil sa hindi wastong paggamit ng impormasyon ng mga users nito.  Mayroon ding ilang mga nasangkot na mga OLA na walang awtoridad na mag-operate dahil hindi rehistrado sa Securities and Exhange Commission (SEC) ng ating bansa.

Dahil kaibigan ko si Macmac, tinulungan ko siyang sumiyasat kung mayroon pa bang online loan app na may kredibilidad at tunay na makakatulong sa kanya nitong panahon na talagang gipit na gipit siya.  Alam naman ni Macmac na kaya niyang makabayad sa loob ng isang buwan dahil sa kanyang sideline, kaya handa siyang mag loan.

Sa aming pagsiyasat, ang una naming tiningnan ay kung rehistrado ba ang Online Loan App. Pasado agad ang JuanHand dahil ang WeFund Lending (ang nagmamay-ari ng JuanHand) ay may lisensya sa SEC na may Company Registration No. CS201825672 at Certificate of Authority No. 2844. Nakita namin ito dito sa SEC website. Nalaman din namin na ang JuanHand ay isang submitting entity sa Credit Information Corporation, na higit pang nagtatatag ng awtoridad nito bilang isang lending company.

Sunod naman ay tiningnan namin kung may website at online reviews ba ang Online Loan Apps. Nakita namin ang website ng JuanHand sa https://www.juanhand.com pati ang kanilang official FB page. Bukod pa ito sa kanilang Instagram, Tiktok, at YouTube. Sa mga ito, nakita namin na marami na pala silang mga ka-partner na mga kilala at pinagkakatiwalaang mga kumpanya tulad ng UnionBank, Lazada, Sun Life Grepa, SkyPay, Multysis, FinScore, Trusting Social, at CIBI Information Inc.

Sa mga online reviews, sa Google Playstore mayroon silang 4.5 stars na rating, at sa App Store naman ay nasa 3.7 stars. Sinuri namin ang kanilang mga sinasabi sa reviews, at mukha namang karamihan ay maganda ang mga sinasabi. Napansin namin na ang hindi mabubuting reviews ay dulot lamang sa paglilimita ng JuanHand na mag-reloan sila dulot ng hindi pagbabayad sa tamang oras. Katanggap-tanggap naman ito, at nagpapatunay lang na metikuloso nga ang system o program ng JuanHand para tiyakin ang quality service nito sa milyon-milyong users ng app.

juanhand recommendation

Dahil nakita namin na maganda ang mga reviews at may lehitimong website (at office address din) ang JuanHand, nagdownload at install na ang aking kaibigang si Macmac ng application nito sa kanyang mobile phone. Natuwa siya dahil isa sa mga sinigurado ng JuanHand app ay na mabasa mo ang komprehensibong Patakaran sa Privacy sa simula pa lang ng pagpaparehistro.

Nagsaliksik din kami at nalaman namin na ang JuanHand ay ligtas gamitin dahil ang lahat ng impormasyon ng kliyente ay protektado at naka-encrypt nang buong pagsunod sa mga regulasyon ng NPC. Sumusunod sila sa Data Privacy Act (2012) at walang kumpidensyal na impormasyon ang hihilingin nang wala ang iyong pahintulot. Buti na lang na ganito nga, dahil sa panahon ngayon na may mga kontrobersiya tungkol sa data privacy, makikitang nagsusumikap ang JuanHand na protektahan ang iyong mga impormasyon.

Ang pinaka nagpatibay ng aming desisyon na gumamit ng JuanHand ay dahil napatunayan na nila noon pa lamang kasagsagan ng pandemya na tunay ang kanilang malasakit para sa ating mga taumbayan. Paano? Sa pag-abot tulong nila sa mga healthcare workers sa pamamagitan ng mga donasyon na personal protective equipment (PPE) at ibang kinakailangang sa mga ospital at mga relief at emergency stations.

Nakatulong sila sa mga front liners mula sa Ospital ng Makati, Diosdado Macapagal Memorial Hospital, Asian Hospital, Rizal Memorial Quarantine Facility, Parañaque Hospital, at iba pa. Bukod pa ito sa mas malawakang tulong na naihandog ng Finvolution Group (mother company ng WeFund Lending), na nagbigay din ng suporta sa mga maliliit na may-ari ng negosyo sa China noong panahon ng pandemya upang malampasan ang mga panandaliang paghihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pautang na walang interes.

Napakadali at simple ng proseso ng paghihiram sa pamamagitan ng JuanHand online loan app, at sa loob ng ilang minuto ng pag-aapply ng loan, agad namang natulungan ang kaibigan ko. Nakahinga siya nang maluwag dahil may pambili na ng gamot para sa kanyang nanay. Labis na nagpasalamat kami sa JuanHand dahil tumutupad ito sa kanilang misyon na isulong ang pagpapabuti at pag-unlad sa bansang Pilipinas.

pagkakaisa at pagtutulungan. Napapanahon naman talaga ito sa ating kalagayan ngayon, pati na rin sa ating hinaharap.

Image by Jose Conejo Saenz from Pixabay